Wala raw siyang hiya kahit na sa dugout o sa isang team event ay bigla na lang uutot si player na may sound.
Nung una raw ay nagtatawanan lang ang mga teammates niya kapag umuutot siya ng malakas.
Pero ngayon daw ay hindi na. Sanay na sila. Immune na sila.
Nakakaloka .
Meetings sa isang banda, rehearsal sa isang sulok, at walang tigil na ikutan ng ikutan.
Kung sa labas ay hindi mo maramdaman na may SEA Games na malapit ng dumating, sa loob ng PHILSOC office, aakalain mong bukas na ang opening ng SEA Games.
Naway maging matagumpay ang staging ng SEA Games dito sa ating bansa ngayong taon na ito.
We simply need its big success.
Sanay na sanay na sa ABC media itong si Rhea dahil matagal-tagal rin niya itong hinawakan kaya kilala na niya ang marami sa mga press people mula sa ibang bansa.
Inireport din ni Rhea na early next year ay babalik na ang Shakeys V tournament kaya mabubuhay na naman ang womens volleyball.
At huli man daw at magaling, nais lang naming batiin si Rhea ng maligayang kaarawan. Nagdiwang siya ng kaarawan nung November 12.
Mukhang matindi ang ipinapakita ng tatlong teams na ito and predictably, mukhang sila rin naman ang makakarating sa finals.
Pero limited lang daw ang slots. Kaya palista na kayo ..