^

PSN Palaro

Ongpauco nasa ikaapat na

-
LJUBLJANA, Slovenia – Patuloy ang pananalasa ni Tyrone Ongpauco ng Philippines sa pag-akyat sa men’s qualifying ng 2005 Qubica AMF Bowling World Cup tournament, nang magpagulong ito ng six-game series na 1,321 pinfalls at umakyat sa ikaapat matapos ang 18 laro sa Gladiator Bowling Center dito.

Nagpakawala ng high game na 269 sa ikatlong six-game block upang palakihin ang kanyang kabuuang pinfalls sa 3,958.

Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte ang kababayang si Ellen Ramos. Nawala ang magic touch nito matapos ang 1,242 sa ikalawang six-game block, at makakuha lamang ng 1,112 at malaglag sa 20th place na may 18 game output na 2,495 pinfalls.

Ang dalawang bowlers na kapwa suportado ng Puyat Sports/Lufthansa, ay may malaking tsansa na makasama sa qualifying round cut sa 24 sa bawat division pagkatapos ng anim pang laro.

Nangunguna naman ang Canadian na si Michael Schmidt na may 18 game total na 4,308 para sa sumisingasing na 239.33 average.

Nasa ikalawang posisyon naman si Petter Hansen ng Norway (4,229) kasunod ang Belgian na si Gerry Verbruggen (4,121) Ongpauco, Argentinian Lucas Leglani (3,951) Swedish Anders Ohman (3,944) at Venezuelan Arturo Hernandez (3,933).

Namumuno sa kababaihan si Lynda Barners ng Amerika makaraang maagaw ito sa Malaysian na si Wendy Chai.

ARGENTINIAN LUCAS LEGLANI

BOWLING WORLD CUP

ELLEN RAMOS

GERRY VERBRUGGEN

GLADIATOR BOWLING CENTER

LYNDA BARNERS

MICHAEL SCHMIDT

PETTER HANSEN

PUYAT SPORTS

SWEDISH ANDERS OHMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with