^

PSN Palaro

Ikatlong panalo isinubi ng Granny Goose

-
Tuluy-tuloy ang pananalasa ng Granny Goose Tortillos nang kanilang tuhugin ang Hapee-Philippine Christian University, 65-55 bilang ikatlong sunod na biktima sa 2006 PBL Heroes Cup na nagpatuloy sa JCSGO Gym sa Cubao kahapon.

Muling ginamit ng Snackmasters ang kanilang malabakod na depensa sa huling bahagi ng labanan upang makakalas sa three-way logjam at solohin ang ikalawang puwesto taglay ang 3-1 record sa likod ng walang larong Magnolia Ice Cream na nagniningning sa pangkalahatang pamumuno taglay ang malinis na 3-0 kartada.

Matapos umabante ng 17-puntos ang Tortillos sa 44-27 sa kaagahan ng ikatlong quarter, unti-unting bumangon ang Teeth Masters upang ibaba sa walong puntos ang kanilang deficit, 51-59 patungo sa huling 3:32 minuto ng labanan.

Ngunit naghigpit ng depensa ang Granny Goose para limitahan sa apat na puntos ang Hapee-PCU na kanilang pinatikman ng ikatlong sunod na talo matapos ang apat na laro.

Bumandera si J.R Quiñahan para sa Snackmasters na umiskor ng 16-puntos kabilang ang dalawang sunod na basket sa huling maiinit na segundo ng labanan upang pigilan ang pagbangon ng Hapee-PCU, bukod pa sa kanyang 11-rebounds.

Nauwi sa wala ang eksplosibong laro ni Jason Castro sa ikaapat na quarter kung saan kumamada ito ng 10-puntos para sa kanyang game-high na 19 nang kumulapso ang Teeth Masters dahil sa kakulangan ng suporta mula sa kanyang mga kasamahan. (CVO)

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE TORTILLOS

HAPEE

HAPEE-PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

HEROES CUP

JASON CASTRO

MAGNOLIA ICE CREAM

R QUI

SNACKMASTERS

TEETH MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with