Sumandig sa kanyang solidong forehand, kuma-na ang 19-anyos na si Za-lameda ng 7-5, 2-0 (ret.) na panalo kontra sa Thai na si Varanya Vijuksana-boon na napuwersang mag-retiro dahil sa dehydration.
Sa kabilang dako, tinalo na-man ni Dy ang local na si Aileen Rogan, 6-1, 6-0 upang umusad kontra sa worlds No. 512 at top seed Taiwanese na si Hwang I-Husan na umiskor ng 6-0, 6-1 panalo laban sa Fil-American qualifier na si Maureen Diaz.
Babanderahan ni Zalameda, isang UCLA stand-out ang kampanya ng Philippine team sa nalalapit na SEA Games kung saan tangka niya ang isang pu-westo sa quarterfinals sa alas-10:30 ng umaga ngayon kontra sa worlds No. 741 at seventh seed Korean Kim Hae-Sung na umiskor ng 6-2, 6-0 panalo kay Taiwaneses Chen Yi, 6-2, 6-0.
Sa iba pang resulta, nakapasok rin ang first leg runner-up na si Czarina Mae Arevalo sa susuod na round matapos magposte ng 6-3, 6-1 kontra sa kababayang wild card na si Anja Vanessa Peter.
Susunod na makakasagupa ni Arevalo si Israeli Efrat Zlotikamin na nagpatalsik naman sa sixth seed Briton na si Rebecca Fong, 6-3, 7-6 (1).
Ang iba pang umusad ay sina second seed Tahi Wilawan Choptang na gumapi sa Taiwanese qualifier na si Kao Shao-Yuan, 6-3, 6-4 upang itakda ang kani-lang paghaharap ng Briton na si Natasha Khan na nagtala ng 6-3, 6-0 tgumpay laban sa Korean na si Kim Yeon-Ju.