Aminin man o hindi ng mga taga-PHILSOC, maski na sila mismo ay tiyak na kinakabahan na rin sa pagdating ng SEA Games kung saan sa ikatlong pagkakataon ay iho-host ng Pinas.
Sa dami na kasi ng pinagdaanan kong SEAG coverage, ngayon ko lang hindi ma-feel ang simoy ng SEA Games. Parang wala lang. Parang pang isang araw na sports event lang. Bagamat noong 1991 SEAG dito, kabado din ako. Pero ibang kaba dahil yung time na yon ang first time ko na uupong sports editor at mapapasabak agad sa pagsasara ng malaking event.
Noong time na yun, nagkokober muna ako sa umaga hanggang alas-2 ng hapon bago magtungo sa opisina para naman magsara ng pahina. Mahirap man, nag-enjoy naman ako.
Ngayon kinakakabahan uli ako, pero hindi dahil sa coverage kundi sa magiging outcome ng pagho-host natin. Kasi nga walang ka-ingay-ingay at parang hindi interesado ang marami.
Huwag naman sanang pumalpak.
Sana effective din ang Mall Tour ng ating mga sports Ambassadors.
Ang athletics ay nasa Rizal Track Oval, badminton sa PhilSports, billiards sa Makati Coliseum, bowling sa Pearl Bowling Lane sa Parañaque, cycling sa Amoranto Velodrome, shooting sa Fort Bonifacio sa Taguig, gymnastics sa Rizal Memorial, tennis sa Rizal Memorial Tennis Center at taekwondo sa Cuneta Astrodome. Ilan lamang ito sa mga kilalang sports ng masang Pinoy.
Ang opening ceremonies ay sa Quirino Grandstand na madaling puntahan ng lahat kaya inaasahang mapupuno ang kabuuan ng Luneta sa Nobyembre 27 ng mga manonood at ng delegasyon mula sa ibat ibang rehiyon sa Southeast Asia.
So go tayong lahat at manood sa kampanya ng ating Pambansang atleta sa kanilang tagumpay.