Ateneo-La Salle Dream Game 05 sa Big Dome

Muling maghaharap ang legends at kasalukuyang basketball stars ng Ateneo at La Salle upang malaman kung sino sa dalawang paaralan ang pinakamahusay sa pinakahihintay na doubleheader sa Huwebes, Dec. 8 sa Araneta Coliseum ang--Ateneo-La Salle Dream Games ’05–The Best of the Best.’

Ang nasabing dalawang ‘Dream Games’ ay magkatulong na inorganisa ng Ateneo High School Class 81, La Salle High School Class 81, ng Philippine Basketball Association at VDV Sports.

Ginagarantiyahan ni VDV Sports Chairman Carlos ‘Bobong’ Velez, isang La Salle, Ateneo alumnus at siyang Dream Games Project Director na ang nasabing twinbill ay dadagsain ng mga diehards ng dalawang paaralan sa Big Dome at tinawag niya itong ‘D-Day in December at the Dome.’

Ang main event ay magtatampok sa mga naging PBA stars na produkto ng dalawang paaralan at makikipagpareha sila sa kasalukuyang varsity players.

Kabilang sa Atenean na nasa pro sina Rich Alvarez, Paolo Bugia, Larry Fonacier, Wesley Gonzales, Olsen Racela, Rico Villanueva, Vince Hizon at Jec Chia, habang ang collegiate stars ay sina L. A. Tenorio, J. C. intal, Japeth Aguilar at Dough Kramer. Ang gigiya sa Ateneo ay si coach Chot Reyes.

Ang La Sallian pros ay sina Jun Limpot, Mark Telan, Don Allado, Mike Cortez, Mac Cuan, RenRen Ritualo, Mark Cardona, at Willie Wilson, habang ang kasalukuyang varsity stars ay sina Joseph Yeo, Rico Maierhofer, Jun-Jun Cabatu at Ryan Araña. Si Yeng Guiao ang mamando sa La Salle.

Ang preliminary game ay magtatampok sa Legends showdown. Ang Ateneo ay tatrangkuhan ng dating Olympian na si Felix Flores at ang La Salle ay si Virgil Villavicencio. Ang koponan ay binubuo ng 7 manlalaro mula sa dekada 60s,7 sa 70s’ at 7 sa 80s.

Show comments