^

PSN Palaro

Purefoods lalong umangat

- Carmela Ochoa -
Naitakas ng Pure-foods Chunkee ang 97-95 panalo laban sa Red Bull Barakos matapos sa tulong ni Noy Castillo na umiskor ng game-winning jumper sa huling 1.8 segundo ng laro na lalong nagpahigpit ng kapit ng Giants sa liderato ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na nagpa-tuloy kagabi sa Araneta Coliseum.

  Gusto pang humirit ng Barakos ng overtime ngunit nagmintis si Lordy Tugade sa kanyang mina-daling jumper na tuluyang nagkaloob sa Giants ng ikawalong panalo sa 10-laro upang higit na tuma-tag sa liderato.

"We were so scared on Red Bull and luckily we were able to pull through, especially when Noy hit that big shot," ani Pure-foods coach Ryan Gre-gorio.

Tumapos lamang si Castillo ng anim na pun-tos ngunit kinumplemen-tuhan nito ang 23-puntos ni James Yap at 22-mar-kers ni import Marquin Chandler upang ipalasap sa Barakos ang ikalimang talo sa 10-laro.

Nasayang ang eksplo-sibong laro ni Red Bull import Quemont Greer na tumapos ng 34-puntos, 14 nito ay sa ikaapat na quarter na sinapawan ng pagsasanib ng puwersa nina James Yap, Chan-dler, Kerby Raymundo at Mark Pingris.

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

FIESTA CONFERENCE

JAMES YAP

KERBY RAYMUNDO

LORDY TUGADE

MARK PINGRIS

MARQUIN CHANDLER

NOY CASTILLO

QUEMONT GREER

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with