Ang nasabing trainer ni Pessoa ay si Jos Kumps, na siyang full-time trainer sa Europe ni Olympian Toni Leviste ng Pilipinas.
Bukod kay Leviste, ang iba pang miyembro ng Philippine team na magti-training sa ilalim ni Kumps ay sina Asian Games gold medalist Mikee Co-juangco-Jaworski, Southeast Asian Games gold medalist Jones Lanza at rookie Joker Arroyo.
"It is always best to build on the well-established rapport between coaches and horse and rider combinations be-cause the deep understanding of everything from technique, temperament, veterinary concerns, and other idiosyn-cracies always yields better results in this sport than imple-menting a one-coach policy," wika ni Kumps.
Samantala, nakatakda ring ganapin sa Pilipinas ang World Cup Jumping regional finals sa Alabang Country Club sa Nov. 18-20.
Ang World Cup ay may 14 regional leagues sa buong mundo at isa ito sa tatlong pina-kamalalaking showjumping events, kabilang ang show-jumping sa Olympics at World Equestrian Games.
Inaasahang maglalaban-laban sa Manila regional finals ang 25 na pinakamagagaling na showjumpers sa rehiyon, na umaasang makapapasok sa World Cup Finals na gagana-pin sa 2006.