^

PSN Palaro

Olympic champion ang maghahasa sa RP equestrian team

-
Mismong ang trainer ng kasalukuyang Olympic cham-pion na si Rodrigo Pessoa ng Brazil ang magti-train sa Philippine equestrian team na lalahok sa Southeast Asian Games (SEAG) na iho-host ng Pilipinas ngayong Disyembre.

Ang nasabing trainer ni Pessoa ay si Jos Kumps, na siyang full-time trainer sa Europe ni Olympian Toni Leviste ng Pilipinas.

Bukod kay Leviste, ang iba pang miyembro ng Philippine team na magti-training sa ilalim ni Kumps ay sina Asian Games gold medalist Mikee Co-juangco-Jaworski, Southeast Asian Games gold medalist Jones Lanza at rookie Joker Arroyo.

"It is always best to build on the well-established rapport between coaches and horse and rider combinations be-cause the deep understanding of everything from technique, temperament, veterinary concerns, and other idiosyn-cracies always yields better results in this sport than imple-menting a one-coach policy," wika ni Kumps.

Samantala, nakatakda ring ganapin sa Pilipinas ang World Cup Jumping regional finals sa Alabang Country Club sa Nov. 18-20.

Ang World Cup ay may 14 regional leagues sa buong mundo at isa ito sa tatlong pina-kamalalaking showjumping events, kabilang ang show-jumping sa Olympics at World Equestrian Games.

Inaasahang maglalaban-laban sa Manila regional finals ang 25 na pinakamagagaling na showjumpers sa rehiyon, na umaasang makapapasok sa World Cup Finals na gagana-pin sa 2006.

ALABANG COUNTRY CLUB

ANG WORLD CUP

ASIAN GAMES

JOKER ARROYO

JONES LANZA

JOS KUMPS

KUMPS

MIKEE CO

PILIPINAS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with