^

PSN Palaro

Red Bull magbibigay ng P1M para sa football gold

-
Binigyan ng Red Bull ng karagdagang inspiras-yon ang Philippine men’s football team matapos mangakong magbibigay sila ng insentibo para sa medalyang makukuha sa 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nov. 27-Dec. 5.

Magbibigay si Red Bull owner George Chua ng P1 milyon para sa gold medal, P500,000 sa silver at P250,000 para sa bronze.

Inihayag ni Chua, kila-lang sports patron na naglaro din ng football sa Letran Knights sa NCAA, ang kanyang financial incentive nang makipag-pulong ito sa Philippine Football Federation presi-dent na si Johnny Ro-mualdez kasama si Tony Chua, ang PFF executive vice-president.

"People know that I love basketball but I also love football so much that’s why whatever help we can give, Red Bull will be there," ani George Chua. "How we wish we win a medal and we’re more than happy to give all these incentives."

Dahil sa intensibong training at preparasyon, ang pagre-recruit ng mga Fil-foreign players at ang pagsuporta ng Red Bull, sinabi ni Romualdez na maganda ang tsansa ng RP booters na manalo ng kauna-unahang medalya sa nalalapit na 11-nation meet.

Ang Philippines at naka-bracket sa regional powerhouse Thailand, Malaysia at Cambodia sa nine-team field na hinati sa dalawang grupo at kumpiyansa ang RP Team na kaya nilang talu-nin ang Malaysia at Cambodia para makara-ting sa semifinals.

Nasa Bacolod na ang RP booters kasama ang Chinese coach na si He Yongsan para maging pamilyar na sa football field ng Panaad Sports Center at sa Paglaum Sports Complex.

Ang kompetisyon ay magsisimula sa Nov. 22 ngunit sa Nov. 24 pa ang unang laro ng RP booters laban sa Thailand.

vuukle comment

ANG PHILIPPINES

GEORGE CHUA

HE YONGSAN

JOHNNY RO

LETRAN KNIGHTS

NASA BACOLOD

PAGLAUM SPORTS COMPLEX

PANAAD SPORTS CENTER

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with