^

PSN Palaro

3 Pinay netters umusad

-
Umiskor ang Fil-Am na si Denise Dy ng 3-6, 6-3, 6-4 upset na panalo laban sa second seed Korean na si Lee Jin-A kahapon upang makasama ang local wild cards na si Anja Vanessa Peter at Czarina Mae Arevalo sa second round ng US$10,000 Holcim ITF Women’s Circuit 1 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Susunod na makakasagupa ni Dy ang Hong Kong qualifier na si Zhang Ling na nagposte ng 6-2, 4-6, 7-5 panalo laban sa American na si Zena Williams.

Kagagaling lamang ni Peter, kasama si Dy sa tournament sa Bangkok, ginapi ang kababayang si Noelle Zoleta, 6-3, 6-2 upang umusad laban sa top seed Korean na si Lyoo Sun Hee-Sun na nakalusot naman sa Japanese na si Hiromi Okazaki, 6-4, 6-3.

Nagtala naman si Arevalo ng 7-5, 6-2 upset na panalo laban sa fourth seed Thai na si Pichittra Thongdach upang itakda ang kanilang paghaharap ng American qualifier na si Maureen Diaz na gumawa ng 6-1, 6-2 panalo laban sa Korean na si Kim Yeon-Ju.

Tanging tatlong locals na lamang ang nalalabi para sa premyong US$1,568 singles champion’s purse matapos na ang Fil-American na si Riza Angela Zalameda na napuwersang mag-withdraw sanhi ng pagkakasakit.

Si Zalameda ay tatlong araw ng nakaconfine sa Manila Doctors Hospital sanhi ng acute gastro-entiritis at kahapon lamang ng umaga lumabas ng naturang hospital.

Si Zalameda ay pinalitan ng local lucky loser na si Ara Micayabas na nakatakdang sumagupa sa Korean na si Seo Soon-Mi.

Sa iba pang laro, tinalo ng third seed Briton na si Rebecca Fong ang local wild card na si Aileen Rogan, 7-5, 6-1 at itakda ang kanilang pagtitipan ng Taiwanese na si Kao Shao-Yuan na umiskor ng 6-2, 6-0 panalo laban sa American na si Marie Zalameda.

vuukle comment

AILEEN ROGAN

ANJA VANESSA PETER

ARA MICAYABAS

CZARINA MAE AREVALO

DENISE DY

HIROMI OKAZAKI

HONG KONG

KAO SHAO-YUAN

KIM YEON-JU

SI ZALAMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with