Beermen inaalat pa rin
November 10, 2005 | 12:00am
Dinapuan na ng suwerte ang Sta. Lucia Realty habang lalo namang nalublob ang defending champion San Miguel Beer sa ilalim ng team standings sa likod ng pagdating ng kanilang inaasahang tagapagligtas na si balik-PBA import Kwan Johnson.
Kahit na inalat si Marlou Aquino sa dalawang beses na pagtapak sa foul line para sa mga krusyal na freethrows sa huling maiinit na segundo ng labanan, pumanig pa rin ang ihip ng hangin sa Realtors para maitakas ang 85-82 panalo laban sa Beermen upang makabangon sa kanilang limang sunod na kabiguan sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.
Dalawang puntos lamang ang abante ng Realtors, 84-82, isang freethrow lamang ang naipasok ng kabadong si Aquino mula sa foul nina Danny Seigle at Nick Belasco para sa 85-82 kalamangan, may 11.7 segundo pang natira para sa huling posesyon ng SMBeer.
Mabuti na lamang at sumablay ang panablang tres ni Seigle sa huling play ng Beermen upang tuluyang maisubi ng Sta. Lucia ang ikatlong panalo matapos ang siyam na laro sa likod ng pagkawala ng kanilang starting point guard na si Paolo Mendoza dahil sa right ankle injury.
Tila makakaahon na sa pangungulelat ang Beermen na nagbalik kay Johnson, ang import na nag-ahon sa kanila mula sa 0-5 start sa 2003 Reinforced Conference para makarating sa finals bago yumukod sa Coca-Cola na nagsubi ng titulo, para pumalit kay Rico Hill, nang kanilang iposte ang 16-puntos na kalamangan, 40-24 sa ikalawang quarter.
Huling nagtabla ang iskor sa 81-all bago umiskor ng triple si rookie Alex Cabagnot mula sa kick-out pass ni Ricky Calimag para sa 84-81 kalamangan, 29.2 segundo pa bago umiskor ng split shot si Johnson para sa 82-84 count.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola (2-5) at Purefoods Chunkee (6-2).
Samantala, kinansela ang nakatakdang out-of-the-country na laro ng PBA sa Taiwan sa December 4 sa pagitan ng Red Bull ar San Miguel na inilipat sa Iloilo City. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended