^

PSN Palaro

Ang PBA sa 91.5 Energy FM!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nakakatawa rin ang mga Pinoy noh?

Minsan, baliw din at may pagka-luka luka,

Bakit?

Pag tumaas lang kahit 50 sentimos ang mga gulay sa palengke, nagagalit na.

Kapag tumaas kahit na 30 sentimos lang ang isang litro ng gasolina, galit na galit na.

Kapag tumaas ng 25 sentimos ang pamasahe sa dyip at bus, naku, asahan mo yan, mag-allboroto na.

Yung iba, makiki-rally pa na may matching placard para ipakita ang galit nila sa mga nagtataasang presyo.

Pero kapag boboto sila para sa housemate na paborito nila sa Pinoy Big Brother, bale wala sa kanila kahit na P2.50 ang halaga bawat text.

Hay naku.. nakakaloka...... ha ha ha!
* * *
Good news! May ka-partner na sa FM radio station ang PBA at yan ay ang 91.5 Energy FM

Ang mga jocks ng Energy FM na sina Sgt. Mark, Billy Bola at Private Ryan ay laging nasa PBA games ngayon to provide entertain-ment before  the games, in between games at during halftime and timeouts.

Magandang balita yan para sa mga PBA fans dahil alam naman natin ang kalidad ng mga jocks ng Energy FM pagdating sa music.

Ang mga PBA players ay magiging djs din sa booth mismo ng Energy FM at bukod dyan, mamimigay na rin ng libreng tickets ang Energy FM sa mga lucky listeners nila.

At hindi tayo titigilan ng mga PBA updates on scores sa bawat laro.

Masaya si station manager Manny Luzon sa magandang pagkakataon na ito na maging ka-partner ang PBA!
* * *
Binantayan ni Mark Caguioa si Ren Ren Ritualo buong gabing kalaban ng Ginebra San Miguel ang Air21.

Resulta? Di nakagawa si Ren Ren at tinalo ng Ginebra ang Air21 very convincingly.

O, baka naman di pa nakakuha ng tip yung mga makakalaban pa ng Air21 in the coming days ha?
* * *
Ang ganda ng theme song para sa darating na SEA Games.

Lalong napaganda dahil sa ang kumanta ng theme song ay ang paborito kong si Rico Blanco at ang Rivermaya.

Galing mo, Rico!
* * *
Nag-iilusyon lang daw ang aktres na ito sa balitang type siya ng isang sikat na PBA player.

Naghahanap lang daw ito ng libreng publicity by trying to get linked sa popular player na ito.

Dahil sabi ng malalapit kay PBA player, hinding hindi raw nito matitipuhan ang naturang aktres.

Nananaginip lang daw si aktres kung sa akala niya eh liligawan siya ni poging player.

Yun na.....

vuukle comment

BILLY BOLA

CENTER

GINEBRA SAN MIGUEL

KAPAG

MANNY LUZON

MARK CAGUIOA

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with