Mula sa isang gold me-dal output sa 2003 Vietnam Games, target ng mga Fili-pinos na manalo ng seven gold medals at posibleng ang overall championship sa naturang sport sa pagkakataong ito.
"We got a lot of help from the First Gentlemans Foundation and our Godfa-ther, San Miguel Corp, kaya confident kami na ma-reach namin yung seven-gold medal na target namin," ani Philippine Karatedo Federation (PKF) president Ed Ponce.
Gaya ng dati, sinabi ni Ponce na ang Malaysia, Vietnam at ang umuus-bong na karate power Myanmar ang mga inaa-sahang mabibigat na kalaban ng mga Filipinos sa Nov. 27-Dec. 5 biennial meet.
Ngunit tiwala ang PKF sa kakayahan ng mga RP bets na pangungunahan ni back-to-back SEA Games gold medalist Gretchen Malalad.
Ang marikit na karateka ang tanging naka-gold sa Vietnam edition at nag-uwi ng tatlong ginto mula sa kanilang European stints.
Sasabak pa rin si Mala-lad sa +60 kilogram cate-gory sa kumite habang si Shirley Tugday ay sasagu-pa sa 60kg. category, Mae Eso (women's -48kg.), Ber-nardino Chu (mens-55 kg), Bong Toribio (-60kg.), Junel Peraña (-70kg.) at Sugar Ray Medante (-75kg.).