^

PSN Palaro

4 gold kayang pagulungin ng Malaysian bowlers

-
Apat na gintong medalya ang puntiryang pagulungin ng mga bowlers ng Malaysia para sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Ito ay matapos ang isang four-day motivation camp na dinaluhan ng 13-man national bowling team ng Malaysia noong nakaraang linggo para sa kanilang preparasyon sa nasabing biennial event.

Inaasahang mangunguna sa kampanya ng Malaysia, tumayong host ng SEA Games noong 2001 sa Kuala Lumpur, si dating Asian top bowler Zumasran Zulfilki na nagpagulong ng dalawang silver at dalawang bronze medal noong 2001.

Ayon sa 22-anyos na si Zulfilki, kayang-kaya ng Malaysia na makuha ang target na apat na gintong medalya sa 2005 SEA Games.

Sa pamumuno ni Zulfilki, kumolekta ang Malaysia ng pitong gold medals sa nakaraang SEA Games sa Vietnam noong 2003.

Kumpiyansa naman ang Philippine Bowling Congress (PBC) na maglalaro ng maganda ang mga Filipino bowlers sa pagbitaw ng 2005 SEA Games.

Kabilang sa kakampanya sa RP Team ay sina 2004 World Cup champion CJ Suarez, Chester King, Liza del Rosario, Jojo Canare at Liza Clutario.

Pakakawalan ang bowling event ng 2005 SEA Games sa Pearl Bowling Center sa Parañaque City, ayon kay PBC president Steve Hontiveros. (Russell Cadayona)

CHESTER KING

JOJO CANARE

KUALA LUMPUR

LIZA CLUTARIO

PEARL BOWLING CENTER

PHILIPPINE BOWLING CONGRESS

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

STEVE HONTIVEROS

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with