^

PSN Palaro

11,000 pulis ikakalat sa 36 sports venues

-
Halos 11,000 bilang ng pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) sa kabuuang 36 sports venues para sa 23rd Southeast Asian Games ngayong Nobyembre.

Sa idinaos na 2nd Inter-Agency Security Conference kahapon sa PICC, sinabi ni Philippine SEA Games Organi-zing Committee (PHILSOC) Security Committee chief Gen. Rodolfo Tor na makakatuwang rin ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtiyak ng kaligtasan ng lahat.

"Initially, the Philippine National Police will deploy about 10,000 personnel, while the Armed Forces of the Philippines will have 500 of its men in the different sports venues to ensure the safety of each athletes and officials," wika ni Tor. "Kailangan kasi natin ng maraming personnel dahil marami tayong venues na dapat bantayan."

Maliban sa PNP at AFP, nakasama rin sa pulong ang mga kinatawan ng Department of Health, Bureau of Immi-gration, Ninoy Aquino Interna-tional Airport, Metro Manila Development Authority at Bureau of Customs.

"Usually, the PNP supports it’s own personnel," ani Tor. "And this will be augmented by whatever PHILSOC will give."

Sa kabila ng banta ng terorismo sa buong mundo, hindi ito natalakay ng grupo.

"Hindi ko masasagot ‘yung tungkol sa threat dahil hindi naman na-dicuss during the meeting," sagot ni Tor.

Inaasahan ring gagamitin ng PNP ang 67 asong aamoy sa mga dalahin ng sinumang papasok sa bawat sports venue ng 2005 SEA Games, dagdag ni Tor. (Russell Cadayona)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMI

DEPARTMENT OF HEALTH

GAMES ORGANI

INTER-AGENCY SECURITY CONFERENCE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODOLFO TOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with