Happy ang Hapee

Masaya ang pagbabalik ng Hapee Toothpaste dala ang Philippine Cristian University matapos magtagumpay sa kanilang debut game na pinarisan ng Harbour Center sa ikalawang game-day ng 2006 PBL Heroes Cup sa JCSGO gym sa Cubao kahapon.

Sumandal ang Teeth Masters sa mainit na shooting nina Jason Castro at Mark Moreno tungo sa kanilang 65-54 laban sa Far Eastern Insurance sa unang laro habang ginulantang naman ng Port Masters ang Montaña Pawnshop, 68-60 sa ikalawang laro.

Pinangunahan ni Castro ang Hapee sa pagkamada ng 18 points katulong si Moreno, galing sa Bacolod City, na may 14, kabilang ang anim sa final quarter kung saan binuhat niya ang Teeth Masters.

Binanderahan naman ni Joseph Yeo ang Harbour Centre sa kanyang 13-puntos ngunit malaki ang naitulong nina Ryan Dy, Earl Saguindel at Marcy Arellano.

Bunga nito, nakisalo ang Hapee-PCU at Harbour Centre sa liderato sa mga opening day winners na Magnolia Dairy Ice Cream at Rain or Shine (dating Welcoat Paints).

Isang magandang simula ang tagumpay ng Portmaster para sa bagong coach na si Dindo Pumaren na pumalit kay Tonichi Yturri na siya na ngayong tumatayong team manager ng kopo-nan.

Samantala, kinuha ang veteran coach na si Joe Lipa ng Granny Goose Tortillos para pumalit kay Jun Tan para sa kanilang laban kontra sa Montaña sa susunod na linggo.

Show comments