^

PSN Palaro

Local tankers may ibubuga din - Akiko

-
Hindi lamang ang mga Fil-American swimmers ang dapat bigyan ng pansin sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games.

Kumpiyansa si dating SEA Games gold medalist Akiko Thomson na maganda rin ang maipapakita ng mga local tankers pagdating sa naturang swimming event na pakakawalan sa Trace College Aquatics Center sa Los Baños, Laguna.

"Our Filipino swimmers are very, very competitive," wika ni Thomson sa mga Filipino tankers na kinabibilangan nina Olympic Games campaigners Liza Danila, Jenny Guerrero at Timmy Chua. "We are hopeful that they will also strike a gold."

Sa nakaraang SEA Games sa Vietnam noong 2003, nag-uwi ng gintong medalya sina Fil-Am Miguel Mendoza at Miguel Molina sa men’s 1,500m freestyle at 200m freestyle, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahang darating sa bansa sina Mendoza at Molina kasabay sina US-based Jacklyn Pangilinan, James Bernard Walsh at Robert Walsh sa Nobyembre 22 bago ang 2005 SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Dalawang ginto rin ang kinuha nina divers Ryan Fabriga at Jaime Asok sa Vietnam men’s 10m flatform at sa 10m flatform synchronized event.

Puntirya ng Philippine Amateur Swimming Association na makalangoy ng lima hanggang pitong gold medal sa 2005 SEA Games matapos makalambat ng apat noong 2003 sa Vietnam. (R.Cadayona.)

AKIKO THOMSON

FIL-AM MIGUEL MENDOZA

JACKLYN PANGILINAN

JAIME ASOK

JAMES BERNARD WALSH

JENNY GUERRERO

LIZA DANILA

LOS BA

MIGUEL MOLINA

NOBYEMBRE

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with