Ayon kay Philippine Lawn Tennis Association (Philta) chairman Col. Buddy Andrada, sa naturang torneo masusukat ang kakayahan ng 19-anyos na si Zalameda.
Si Zalameda ang tatayong No. 6 seed sa nasabing torneo sa bisa ng kanyang pagiging No. 852 sa buong mundo.
Inilista namang No. 1 sa nasabing event si Lyoo-Suh Hee-Sun ng Korea (697) kasunod sina Rebecca Fong ng Great Britain (708), Lee Jin-A ng Korea (741), Pichittra Thongdach ng Thailand (762) at Chen Yi ng Taiwan (776).
Idinagdag ni Andrada na magsisilbi ring tune-up tournament ang Holcim-ITF Womens Circuit para sa 23rd Southeast Asian Games na papalo sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Kasama ni Zalameda, tinanghal na 2004 Player of the Year ng Los Angeles Times, sa national team para sa 2005 SEA Games sina Fil-Am Denise Dy, Anja Vanessa Peter at Czarina Mae Arevalo. (R.C)