^

PSN Palaro

Fil-Am netter susukatan ang lakas

-
Nakatakdang dumating ngayong araw si Fil-American tennis player Riza Angela Zalameda para sumabak sa US$10,000 Holcim-ITF Women’s Circuit sa Nobyembre 7-13 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ayon kay Philippine Lawn Tennis Association (Philta) chairman Col. Buddy Andrada, sa naturang torneo masusukat ang kakayahan ng 19-anyos na si Zalameda.

Si Zalameda ang tatayong No. 6 seed sa nasabing torneo sa bisa ng kanyang pagiging No. 852 sa buong mundo.

Inilista namang No. 1 sa nasabing event si Lyoo-Suh Hee-Sun ng Korea (697) kasunod sina Rebecca Fong ng Great Britain (708), Lee Jin-A ng Korea (741), Pichittra Thongdach ng Thailand (762) at Chen Yi ng Taiwan (776).

Idinagdag ni Andrada na magsisilbi ring tune-up tournament ang Holcim-ITF Women’s Circuit para sa 23rd Southeast Asian Games na papalo sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Kasama ni Zalameda, tinanghal na 2004 Player of the Year ng Los Angeles Times, sa national team para sa 2005 SEA Games sina Fil-Am Denise Dy, Anja Vanessa Peter at Czarina Mae Arevalo. (R.C)

ANJA VANESSA PETER

BUDDY ANDRADA

CHEN YI

CZARINA MAE AREVALO

FIL-AM DENISE DY

GREAT BRITAIN

HOLCIM

LEE JIN-A

LOS ANGELES TIMES

LYOO-SUH HEE-SUN

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with