RP Lawn bowlers susungkit ng 2 ginto sa SEA Games
November 2, 2005 | 12:00am
Para sa mga Pinoy na mapagmahal sa sports, ang larong ito ay maaring hindi pamilyar sa kanila, pero kumpiyansa ang mga opisyal ng Philippine Lawn Bowls Association-- na ang pinakahuling dagdag sa lumalagong pamilya ng Philippine Olympic Committee, na darating ang panahon na mamahalin ito ng mga Pinoy.
At malamang na sa 23rd Southeast Asian Games kung saan ipapakita ng RP lawn bowlers ang kanilang kakayahan, inaasahang masisiyahan din ang kanilang mga kababayan.
Sinabi ni Philippine Lawn Bowls Association (PLBA) president Ronalyn Greenlees na maaring magsubi ng dalawang gintong medalya ang Pinoy lawn bowlers na sasabak sa SEA Games sa ikatlong pagkakataon sapul nang una itong laruin noong 1999 SEA Games sa Brunei.
"We are not getting anything as far as promotion is concerned. But we understand the situation because the sport is really new to the Filipinos. Mostly, mga expat ang lumalaro nito," ani Greenlees, isang Filipina na nakapag-asawa ng isang Briton.
Ang RP lawn ball team ay sumungkit ng dalawang silvers at dalawang bronze noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended