Halos dalawang dekada nitong pinangalagaan ang pagiging pinakamalakas na tao sa mundo.
Naaalala ko pa minsan na sa aking coverage sa SEA Games, tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya para manatiling malakas at talaga namang napakalaki ng katawan.
Minsan nga nasabi niya sa ilang grupo ng mga sports-scribes na isang dosenang itlog ang kinakain niya, isang malaking bote ng softdrinks at halos isang kilo ng karne ang pagkain nito sa araw-araw. Hindi ko nga alam kung nagbibiro siya noon, pero kapani-paniwala dahil kailangan niyang kumain ng marami dahil isa nga siyang weightlifter.
Kaya naman nalungkot ako ng mabalitaan ko ang nangyari sa kanya at nakita ang kanyang larawan.
Huling naaalala ko sa kanya ay naging head siya ng Athletes and Coaches Alliance noong panahon ni dating PSC chairman Eric Buhain.
Na-stroke pala siya noong nakaraang taon mismong sa opisina pa yata ng Philippine Sports Commission kung saan siya nagta-trabaho. Naparalisa dahil sa stroke na yun.
Sana naman tulungan si Jaime ng Philippine Sports Commission sa kanyang kalagayan ngayon. Balita ko pa nawala na nga ang kanyang lakas pati na rin ang katanyagan, kayamanan at ultimong pamilya niya ay nawala na rin.
Nakaka-awa naman na noong malakas pa siya at kailangan pa maraming nakakakilala sa kanya, pero ngayong higit na kailangan niya ang tulong ay walang nakakaalala sa kanya.
Sana naman hindi mabalewala ang kanyang naibigay na karangalan sa ating bansa.
Si Kristine ay isang tennis player at sa kanyang age-group ay siya yata ang top seed sa ngayon sa ating bansa.
Hindi malayo, dahil todo naman ang suporta ng kanyang magulang sa napili niyang sports.