^

PSN Palaro

Caguioa may pinatunayan

-
Isang bagay lamang ang ayaw ni Mark Caguioa--ito’y ang natatabunan siya ng bagito.

At ito ang dahilan kung bakit ang Barangay Ginebra stalwart ay naglabas ng mahusay na performance upang pabagsakin ang rookie ng Sta. Lucia Realty na si Alex Cabagnot noong nakaraang Linggo sa PBA Fiesta Conference na sinaksihan ng punum-punong manonood sa Araneta Coliseum.

"You don’t just compare me to someone. There’s simply no comparison," ani Caguioa matapos na ang laro ay panoorin ng record na 15,163 paying fans.

At nakita kung paano naging matamis ang paghihiganti ni Caguioa sa manlalarong bumura ng lahat ng kanyang record sa Eagle Rock High School sa California at siya ang naging susi sa 92-88 panalo ng Realtors ng una silang mag-harap noong Oct. 9.

At sa pagtatapos ng 96-89 panalo naman ng Ginebra, si Caguioa ay nagtala ng 19 puntos, 10 rebounds, apat na assists, tat-long steals at isang block shot. Si Cabagnot ay gumawa rin ng 16 puntos sa una nilang paghaharap.

"Nu’ng first game namin, napahiya ako. I was not that aggressive," wika ni Caguioa, na mayroong walong puntos. "Kaya ang gusto ko talaga ngayon, i-prove ko na mas magaling ako sa kanya. I think I’ve succeeded. Just look at the score, man."

At ang maningning na performance na ito ni Caguioa ay nagbunga ng maganda. Bukod sa natu-lungan niya ang Ginebra na makuha ang ikalawang sunod na panalo at napaganda ang kanilang record sa 4-3, siya rin ang nahirang ng PBA Press Corps bilang San Mig Coffee-Player of the Week.

ALEX CABAGNOT

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CAGUIOA

EAGLE ROCK HIGH SCHOOL

FIESTA CONFERENCE

GINEBRA

LUCIA REALTY

MARK CAGUIOA

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with