^

PSN Palaro

5th straight wins asam ng Purefoods

-
Sumasakay sa kanilang four-game winning streak, pipilitin ng Purefoods Chunkee Giants na maideretso sa lima ang kanilang pagratsada kasabay ng pananatili sa itaas ng elimination round.

Haharapin ng Giants ang pumapangalawang Talk N Text Phone Pals ngayong alas-6:40 ng gabi matapos ang upakan ng Barangay Ginebra Gin Kings at Sta. Lucia Realtors sa alas-4:10 ng hapon sa 2005 San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Ibinabandera ng Purefoods ang 5-1 kartada sa itaas ng 4-1 ng Talk N Text, 4-2 ng Red Bull at Alaska at 3-3 ng Ginebra.

Napitas ng Giants ang kanilang ikaapat na sunod na panalo mula sa 103-87 paggupo sa Coca-Cola Tigers, may 1-5 baraha sa ilalim ng 2-4 ng Realtors, tampok ang 21 puntos, 9 rebounds at 3 assists ni 6-foot-4 forward Jondan Salvador.

"Basta trabaho lang ang nasa isip ko," wika ni Salvador, nakapaglaro na sa nagibang Metropolitan Basketball Association (MBA), sa kanyang ipinakita noong Oktubre 26.

"Sinusuklian ko lang ng total focus sa game ang kumpiyansa ni coach (Ryan Gregorio) sa akin."

Napigil naman ang kamada ng Phone Pals ni Joel Banal sa apat makaraang yumukod sa Gin Kings, 94-100, noong Miyerkules tampok ang 17 produksyon ng nababalik na si Eric Menk.

Sa inisyal na laro, ang naturang panalo naman sa Talk N Text ang inaasahang sasakyan ng Ginebra sa pakikipaglaban sa minamalas na Sta. Lucia.

Kasalukuyang nasa four-game losing slump ang Realtors, ang huli ay nang mabigo sa Barakos, 78-95, noong Biyernes.

Sa kasalukuyan, naglalaban ang San Miguel Beer at Air21 Express sa Roxas City, Capiz, habang sinusulat ang balitang ito.

Asam ng Beermen na tapusin ang kanilang kamalasan at makapasok sa win column. (RC)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA GIN KINGS

COCA-COLA TIGERS

ERIC MENK

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

GINEBRA

JOEL BANAL

JONDAN SALVADOR

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->