^

PSN Palaro

Magandang kapalaran ng Red Bull at Alaska nais nilang ipagpatuloy

-
Nais ng Red Bull at Alaska Aces na magtuluy-tuloy ang kanilang magandang kapalaran sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference sa Cuneta Astrodome.

Ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Barakos at Aces laban sa Sta. Lucia Realty at Coca-Cola ayon sa pagkakasunod.

Mauuna ang sagupaang Realtors at Barakos sa alas-4:40 ng hapon habang ang engkwentro ng Alaska at Coke ay sa alas-7:25 ng gabi.

Magkasalo sa 3-2 karta ang Red Bull at Alaska sa likod ng nangunguna na ngayong Purefoods Chunkee Giants na umagaw ng liderato sa Talk N Text (4-1) na natalo sa Eric Menk-powered Barangay Ginebra, 100-94, kamakalawa.

Nanggaling ang Alaska sa makapigil hiningang 111-108 double overtime win laban sa Air21 noong nakaraang Biyernes matapos ang 102-72 game laban sa Barangay Ginebra noong October 19.

Sa panig ng Red Bull, ninanamnam pa rin nila ang 76-74 tagumpay laban sa inaalat na defending champion San Miguel Beer noong Linggo matapos ang 84-77 panalo laban sa Air21 noong October 16.

Inaasahan ng Aces na mabigat na hamon ang kanilang matatanggap mula sa Coke na nais makabawi sa kanilang tatlong sunod na kabiguan.

Sa likod ng pagparada ng bagong import na si Omar Thomas na pumalit kay Alex Carcamo, lumasap ang Tigers ng 87-103 pagkatalo laban sa Chunkee Giants noong Miyerkules, hindi pa man nawawaglit ang kanilang pagkayamot sa 81-82 pagkatalo laban sa Phone Pals na nakinabang sa nagmintis na freethrow ni Carcamo, kaya’t matindi ang kanilang determinasyong manalo ngayon.

Taglay ng Realtors ang 2-3 win-loss slate katabla ang Express. (CVOchoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALEX CARCAMO

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

CHUNKEE GIANTS

CUNETA ASTRODOME

ERIC MENK

FIESTA CONFERENCE

LABAN

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with