^

PSN Palaro

PSC makikipagpulong sa mga NSAs

-
Isang luncheon meeting ang inihanda ngayong araw ng Philippine Sports Commission (PSC) sa hanay ng mga National Sports Associations (NSA) sa Dragon Gate Restaurant sa Roxas Boulevard.

Layunin ng naturang pulong na malaman ng PSC ang mga saloobin ng bawat sports association 30 araw bago ang 23rd Southeast Asian Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

"Siyempre, gusto nating malaman kung may mga problema ba sila a month before the 2005 Southeast Asian Games," sabi ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez. "We want to know the real score when it comes to the performance of their athletes."

Nauna nang umayaw si Ramirez na magbigay ng prediksyon kaugnay sa bilang ng gintong medalyang kayang hakutin ng mga Filipino athletes sa naturang biennial meet.

"It will only add pressure sa mga athletes natin, kaya I am refraining on making predictions. But I believe in their capabilities at naniniwala ako na hindi nila papahiyain ang ating bansa," ani Ramirez.

Si Ramirez ang tumatayong deputy Chef de Mission ng Philippine delegation habang hindi pa nakakapagdesisyon si First Gentleman Atty. Mike Arroyo kung magagampanan niya ang pagiging Chef de Mission.

"I’m hoping na makakapunta siya ngayon sa meeting namin with the NSAs. And I think he will come," ani Ramirez. (Russell Cadayona)

BUT I

DRAGON GATE RESTAURANT

FIRST GENTLEMAN ATTY

MIKE ARROYO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

ROXAS BOULEVARD

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with