^

PSN Palaro

Batang Maynila umeksena na

-
Hindi pinayagan ng mga Batang Maynila na maka-apekto sa kanila ang masungit na panahon kahapon sa pagsisimula ng athletics event ng 1st Manila Youth Games National Invitational sa University of Sto. Tomas sa España.

Kapwa pumitas ng tig-isang gintong medalya sina Eliza Marie Paez at Angelo Villamil sa girls‚ at boys‚ 12-under shot put event upang ilagay ang Manila sa ilalim ng apat na ginto ng Muntinlupa.

Naglista ang 12-anyos na si Paez ng hagis na 5.95-meter sa girls‚ 12-under shot put para talunin ang kakamping si Toni Jean Laurena (5.24m) at si Lenebeth Lanoy (4.95m) ng Bohol.

Bumato naman si Angelo Villamil ng layong 7.26m sa boys‚ 12-under shot put kasunod ang 6.53m ni Warren Gacoscos ng Candon City at 6.46m ni Roger Hagutin ng Bohol.

Maliban sa athletics, kinansela rin ng nag-oorganisang Manila Sports Council (MASCO) ni chairman Ali Atienza ang pag-aagawan sa titulo ng Muntinlupa City at Tanauan City sa little league girls‚ 13-15 softball at ng Muntinlupa at Laguna sa little league boys‚ 12-under baseball sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa.

"Mas mabuti na itong ipagpaliban natin ‘yung ibang events para maiwasan natin ‘yung aksidente sa mga bata," wika ni Atienza sa malakas na pagbuhos ng ulan kahapon.

Parehong tinapos ng Muntinlupa at Tanauan ang kanilang eliminasyon sa magkatulad na 4-0 rekord.

Nakatakda namang bitawan ngayong araw ang swimming event kung saan kabuuang 46 gintong medalya ang nakataya sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Malate. (Russell Cadayona)

ALI ATIENZA

ANGELO VILLAMIL

BATANG MAYNILA

BOHOL

CANDON CITY

ELIZA MARIE PAEZ

LENEBETH LANOY

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES NATIONAL INVITATIONAL

MUNTINLUPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with