^

PSN Palaro

DLSU nagsalita na sa isyung pamemeke

-
Sa wakas, nagsalita na ang De La Salle University ukol sa issue sa pamamagitan ng press conference na pinangunahan nina DLSU president Br. Armin Luistro F.S at executive vice-president Carmelita Quebengco sa Hyatt Hotel kahapon. Ngunit imbes na bigyang linaw ang lahat, lalo pang dumami ang katanungan matapos nilang ihayag ang kanilang natuklasan sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Inamin na ng De La Salle University na ang dalawang players na ineligible ay sina Mark Benitez at si Tim Gatchalian kaya hindi sila dapat nakalaro sa men’s basketball team ng Archers sa UAAP. Peke ang No. 0069261 PEPT Certificate of Rating ni Gatchalian base sa kumpirmasyon ng Department of Education ngunit ang kay Benitez ay kailangan pa nilang beripikahin maigi.

Parehong bumagsak sina Benitez at Gatchalian sa kanilang unang PEP Test at pareho silang hindi na rin kumuha ng ikalawang exam. Kumuha ng PEP Test si Benitez noong September 2002 ayon sa kumpirmasyon ng DepEd ngunit posibleng nagkaroon ng pagkakamali.

Ang contractual statistician ng La Salle senior basketball team na si Raul Lacson ang natukoy na nagbigay ng pekeng PEPTCR documents kina Gatchalian at Benitez. Ayon kay Benitez, sinabihan siya ni Lacson na may kukuha ng test para sa kanya. Ang assistant team manager ng La Salle (nanapak kay Arwind Santos sa basketball finals ng Archers at ng Far Eastern University) na si Manny Salgado ay ang nakakaalam kung paano nakuha ang ‘spurious’ PEP Test certificate ni Benitez.

Parehong itinanggi nina Lacson at Salgado na may kinalaman sila sa kinukuwestiyong dokumento ni Benitez. Walang nabanggit na opisyal sa alin mang interview sa isinasagawang imbestigasyon.’

"While the school recognizes that the two players (Benitez at Gatchalian) may have some personal responsibility over these incidents, we also understand their vulnerability given their age and sincere desire to be part of the university’s men’s basketball team," ayon sa statement ng La Salle na binasa ni Luistro. "However, the university does not and will never condone this conduct and will continue to commit itself to raising the bar of sportsmanship and fair play."

Itinanggi ni Luistro na nagtago ng impormasyon ang La Salle. "We assure you that at no point in this process was there a deliberate attempt to withhold information. After the matter was brought to the attention of the deciding authorities, it was deemed necessary to verify the matter from the DepEd in order to exclude any posible error of ineligibility." (CV Ochoa)

ARMIN LUISTRO F

ARWIND SANTOS

BENITEZ

CARMELITA QUEBENGCO

CERTIFICATE OF RATING

DE LA SALLE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

FAR EASTERN UNIVERSITY

GATCHALIAN

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with