^

PSN Palaro

4 na ginto sa football inangkin ng Muntinlupa booters

-
Sapat na ang apat na gintong medalya sa football competition upang pansamantalang angkinin ng Muntinlupa ang liderato sa 1st Manila Youth Games National Invitational sa Luneta Park kahapon.

Dinomina ng Muntinlupa ang boy’s 12-under at girls‚ 12-under division para ibilang sa nauna nilang pagkontrol sa boys‚ 17-under at girls‚ 15-under category.

Hindi rin nagpahuli ang Quezon City, Parañaque at Laguna Province nang sumikwat ng tig-isang gintong medalya sa naturang sports meet na inorganisa ni Manila Sports Council (MASCO) chief Ali Atienza.

Sa pagbibida ng varsity team ng University of the Philippines, iginupo ng Quezon City ang Manila, ginabayan ng Adamson Lady Falcons, mula sa 3-0 sweep sa kanilang best-of-three series sa girls‚ open softball sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa.

"This gives us opportunity to correct our mistakes, and improve once the UAAP season begins," sabi ni Adamson coach Boy Codiñera sa pagkatalo ng Manila sa Quezon City.

Sumipa naman ng ginto sa girls‚ 17-under ang Parañaque matapos talunin ang Muntinlupa, 5-3, samantalang pinagharian ng Laguna Province ang labanan sa boys‚ 15-under nang pataubin ang Bohol, 3-0, sa football event sa Luneta Park.

Samantala, kabuuang 25 gintong medalya ang nakalatag ngayong araw para sa paglarga ng athletics competition sa University of Sto. Tomas sa España.

Inayos naman ng Tanauan City ang kanilang finals match ng Muntinlupa ngayong hapon makaraang kaldagin ang Bohol, 14-0, sa 12-under little league baseball sa PUP. (R. Cadayona)

ADAMSON LADY FALCONS

ALI ATIENZA

BOHOL

BOY CODI

LAGUNA PROVINCE

LUNETA PARK

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES NATIONAL INVITATIONAL

MUNTINLUPA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with