^

PSN Palaro

Coke yuko sa Giants

-
Apat na players ang may karamdaman sa Purefoods na sumabak sa Coca-Cola ngunit nagawa pa ring magtagumpay ng Chunkee Giants, 103-87 para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup eliminations na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.

"I’m glad we won this game inspite of four players not in 100%," patukoy ni Purefoods coach Ryan Gregorio kina import Marquin Chandler, Mark Pingris, Roger Yap, Richard Yee at Jun Limpot na hindi nakasama sa kanilang mga ensayo dahil sa kanya-kanya nilang karamdaman.

Ngunit nakakuha ang Purefoods ng eskplosibong laro mula kina Kerby Raymundo, rookie Jondan Salvador at James Yap para suportahan si Chandler tungo sa kanilang pagsulong sa 5-1 win-loss slate.

May tsansang makopo ng Purefoods ang pangkalahatang pamumuno sa Talk N Text (4-0) kung matatalo ang Phone Pals na kasalukuyang nakikipaglaban sa Barangay Ginebra habang sinusulat ang balitang ito.

Nagbalik aksiyon na si Eric Menk sa Ginebra sa bisa ng bagong guidelines ng PBA para sa mga Fil-foreign players na inaprubahan ng PBA Board noong Lunes ngunit inamin nitong mayroon pa siyang injury at apat na araw pa lamang siyang nakakapag-ensayo.

Sa likod ng pagparada ng bagong import na si Omar Thomas na pumalit kay Alex Carcamo, walang nangyari sa Tigers na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sanhi ng kanilang pagdausdos sa 1-4 kartada. (Carmela Ochoa)

ALEX CARCAMO

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CARMELA OCHOA

CHUNKEE GIANTS

ERIC MENK

FIESTA CUP

JAMES YAP

JONDAN SALVADOR

JUN LIMPOT

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with