^

PSN Palaro

PBA cager hirap mag-Ingles

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Bulung-bulungan na ngayon sa basketball community ang patungkol sa marami pang players, past and present, na pinagdu-dudahan ang pagkaka-graduate sa high school bago nakatungtong sa kanilang college teams.

At yan daw ay nangyari hindi lang sa isa, kundi sa iba pang collegiate leagues.

Kanya-kanya na silang imbestigahan at maniwala kayo o hindi, bigyan nyo pa ng ilang araw yan at marami pa ang maglalabasang pangalan.

Mabuti na nga at nangyari yang iskandalo sa La Salle.

At least, maraming bubuksan yan na maari pa ngang ika-shock ng basketball community.

Maraming nasasakripisyo sa kagustuhan lang ng mga college teams na palakasin ang line-up nila.

Madalas, ang mga school officials pa mismo at mga coaches pa ang gumagawa ng paraan para makalusot mula high school ang mga players.

And take note, napakarami ring mga players ang pumapasa sa kanilang mga subjects kahit na hindi sila pumapasok sa klase at yan ay dahil special student sila dahil sa sila ay basketball players.

It's high time na matingnan mabuti ang kalakarang yan para ang maging priority ng mga basketball players at ng iba pang athletes ay ang kanilang pag-aaral, at hindi ang pagiging athlete nila.

May mga ilang paaralan na alam namin ang battlecry para sa kanilang players ay "be a student first, and athlete, second."

Pero open book yan sa basketball community na mas marami pa ring paaralan kung saan ang mga players ay madalas na makapasa kahit na hindi sila pumapasok sa klase all because they are basketball players.
* * *
Mayroon nga akong kilalang isang PBA player na hirap na hirap intindihin ang coach niya na English-speaking primarily because  hirap na hirap siyang umintindi ng Ingles.

Hindi niya kinakausap ang mga teammates niyang Fil-Am dahil hindi niya masasabayan ang pagka-english spokening ng mga ito.

Ganyan siya ka-hirap na hirap makipag-usap sa mga Fil-Ams just because hindi siya marunong mag-ingles.

To think na naka-graduate siya sa isang exclusive school at bonggang escuela.

Tsk-tsk-tsk....
* * *
Ganda naman ng nangyayari ngayon sa PBA.

Madalas ang dami ng tao sa coliseum

Sana nga ay tuloy-tuloy na ito para makabawi naman ang PBA.

In fairness, ganda naman kasi ng mga match-ups kaya marami rin ang interesado
* * *
Alam n’yo bang isa sa mga bagong artista na kabilang sa Star Magic ng ABS CBN ay si Niko Cezar.

Si Niko ay anak ng basketball legend na si Philip Cezar at ang maybahay niyang si April.

Tulad ni Philip, matangkad din si Niko.

Maputi siya at magandang lalake at magaling ring mag-basketball.

Hindi ko lang masigurado kung nakuha ni Niko ang kanyang  kagandahang lalake sa kanyang tatay.

Ha ha ha!

BASKETBALL

LA SALLE

MADALAS

NIKO

NIKO CEZAR

PHILIP CEZAR

PLAYERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with