^

PSN Palaro

Ginto sa football isinubi ng Muntinlupa

-
Maski ang malakas na pagbuhos ng ulan ay hindi nakapigil sa Muntinlupa sa pag-angkin sa kanilang gintong medalya.

Giniba ng Muntinlupa ang Laguna, 10-0, at kinasahan ang Manila, 8-0, sa girls‚ 15-under football event para ibulsa ang kauna-unahang gintong medalya sa 1st Manila Youth Games National Invitational sa Luneta Park kahapon.

Maaari ring mapasakamay ng Quezon City ang gold medal sa boys‚ 12-under baseball competition kung muling tatalunin ang Manila, tinalo nila kahapon, 1-0, ngayong hapon sa kanilang best-of-three series.

Kinilala si striker Frankie Rivilla bilang Most Valuable Player (MVP) sa pagbibida sa Muntinlupa booters sa nasabing sports meet na inorganisa ng Manila Sports Council (MASCO) at itinataguyod ng PAGCOR, San Miguel Corp., Philippine Airlines, Super Ferry, Milo, UNILIVER, Speedo, Red Bull, Land Bank, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers.

Samantala, pitong Fil-Foreign athletes naman ang lalahok sa athletics, lalarga bukas sa University of Sto. Tomas sa Espana, at swimming, hahataw sa Biyernes sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Malate.

Sa baseball, itinala naman ng Tanauan ang 3-0 baraha matapos talunin ang Palayan City, 9-0, sa likod ng 14 struck outs ni pitcher Joel Castillo.

Umiskor naman ng panalo ang Manila sa Laguna, 11-4, sa girls‚ 13-15 football at sa Bohol, 5-3, sa 12-under baseball event. (Russell Cadayona)

CONCEPT MOVERS

FRANKIE RIVILLA

ISUZU MANILA

JOEL CASTILLO

LAND BANK

LUNETA PARK

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES NATIONAL INVITATIONAL

MOST VALUABLE PLAYER

MUNTINLUPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with