"Siguro three to four more non-title fights pa next year before we go for the regular (WBO) title-fight. The nearest for him (to pursue) is the WBO title" ani Gello-Ani.
Ang 18-anyos na si Bautista, na umagaw ng WBO Asia-Pacific crown mula kay Mexican Felix Flores Murillo
Matapos ang sensational third round knockout noong Sept. 10 sa Staples Center sa Los Angeles, ay kasalukuyang rank no. 2 sa WBO.
Ang kasalukuyang champion na si Ratanatchai Vorapan ng Thailand ay nakatakdang idepensa ang WBO bantamweight title sa top contender na si Johnny Gonzales ng Mexico sa Sabado at sinabi ni Bautista na handa siyang harapin kahit sino sa dalawa.
Sa ngayon, nakatuon si Bautista sa pagdedepensa sa kanyang Asian-Pacific title laban kay African Obote Ameme sa Nov. 19 sa sariling bayan nito sa Tagbilaran City, Bohol.