Tinalo ng mga batang Maynila ang mga taga-Parañaque, 18-1, sa regulated three innings sa girls 13-15 years under softball event na pinakinang ng paglimita nina pitchers Jenny Pangilinan at Rose Ann Llave sa isang hit.
Sa unang inning pa lamang ay napakitang-gilas na ang Maynila nang humataw ng walong runs sa likod ng tatlong hits para sa kanilang 8-0 lamang kumpara sa Parañaque na may limang errors.
Binigo naman ng Antipolo ang Maynila sa boys 12-under baseball makaraang iposte ang dominanteng 13-3 panalo tampok ang dalawang homeruns ni Sonny Boy Pedracio.
Hindi naman pinaiskor ng Tanuan ang Taguig sa pamamagitan ng kanilang 14-0 tagumpay sa boys 12-under baseball, samantalang kinaldag ng Laguna ang Palayan City, 9-7, sa girls 12-under softball competition.
"Masaya ako at medyo nabunutan na rin ako ng tinik," ani Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza katuwang ang PAGCOR, San Miguel Corp., Philippine Airlines, Super Ferry, Milo, UNILIVER, Speedo, Red Bull, Land Bank, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers. (Russell Cadayona)