^

PSN Palaro

Maynila, Antipolo, Tanauan at Laguna umiskor ng panalo

-
Kaagad na umiskor ng makakahiwalay na panalo ang Maynila, Antipolo, Tanauan at Laguna sa pormal na pagsisimula ng mga kompetisyon sa softball at baseball event ng 1st Manila Youth Games National Invitational sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa kahapon.

Tinalo ng mga batang Maynila ang mga taga-Parañaque, 18-1, sa regulated three innings sa girls‚ 13-15 years under softball event na pinakinang ng paglimita nina pitchers Jenny Pangilinan at Rose Ann Llave sa isang hit.

Sa unang inning pa lamang ay napakitang-gilas na ang Maynila nang humataw ng walong runs sa likod ng tatlong hits para sa kanilang 8-0 lamang kumpara sa Parañaque na may limang errors.

Binigo naman ng Antipolo ang Maynila sa boys‚ 12-under baseball makaraang iposte ang dominanteng 13-3 panalo tampok ang dalawang homeruns ni Sonny Boy Pedracio.

Hindi naman pinaiskor ng Tanuan ang Taguig sa pamamagitan ng kanilang 14-0 tagumpay sa boys‚ 12-under baseball, samantalang kinaldag ng Laguna ang Palayan City, 9-7, sa girls‚ 12-under softball competition.

"Masaya ako at medyo nabunutan na rin ako ng tinik," ani Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza katuwang ang PAGCOR, San Miguel Corp., Philippine Airlines, Super Ferry, Milo, UNILIVER, Speedo, Red Bull, Land Bank, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers. (Russell Cadayona)

ALI ATIENZA

CONCEPT MOVERS

ISUZU MANILA

JENNY PANGILINAN

LAND BANK

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES NATIONAL INVITATIONAL

MAYNILA

PALAYAN CITY

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with