Ngunit magagawa kayang muli ng Port Masters ang nasabing mahika at lakas na naghulma sa kanila bilang isa sa tanyag na koponan?
Bagamat nawala na sa koponan ang ilan nilang marquee players, kabilang na ang ngayon ay pro na sina Mark Cardona ng La Salle, Paolo Bugia at Larry Fonacier ng Ateneo, malaking katanungan ang umuukit sa isipan nina Mikee at Nikki Romero ang may-ari ng pinakamalaking non-containerized port terminal sa bansa.
kung ikukunsidera ang bagong tatag na koponan ni coach Dindo Pumaren, ang bilis at tikas ni Joseph Yeo at ng mga NCAA stalwart na sina Kevin dela Peña sa backcourt, dagdag pa ang pagbibigay lakas ng Fil-Am na si Robbie Reyes at Jerwin Gaco bilang mga sentro, at ang pagkakaroon nila ng outside-inside game mula kina Jenkins Mesina, Christian Luanzon at Red Vicente, siguradong maipagpapagpatuloy ng Port Masters ang kanilang sinimulan.
"We lost some of our key players but our commitment to play to the highest level remains the same. Fans want to see a disciplined team, one that plays real hard but clean and thats what we are going to do," ani Romero, na sumuporta rin sa ilang koponan sa ibat ibang liga gaya ng NBC, MBL at maging sa UAAP.
"Our basketball programs are geared toward luring children away from dangerous drugs or any misadventures, and in the same time giving them aspirations in terms of having a solid future," dagdag pa ng batang chief executive.
Ang iba pang bubuo sa roosters ng koponan ay ang miyembro ng Mythical Five sa NCAA na si Jerome Paterno kasama sina Marcy Arellano at Earn Saguindel na magbibigay ng kinakailangang lakas, habang si Ryan Dy naman ang magbibigay sa koponan ng katatagan katulong sina Mesina, Rommel Dizon at Richard Alonzo.
Kasama rin sa koponan sina Angel Raymundo at Jason Ballesteros.
Katulong naman ni Pumaren sina June Tiongco at Vic Escudero bilang assistant, habang si Erick Arejola ang itinalaga bilang assistant team manager at mananatili naman si Derick Pumaren na team consultant.