^

PSN Palaro

Harbour Centre aagaw uli ng pansin sa PBL

-
Nang sumali sila sa liga noong nakaraang kumperensiya, gumawa ang Harbour Centre ng malaking atensiyon at excitement na hindi nagawa ng iba pang rookie team na lumahok sa nakaraang mga liga.

Ngunit magagawa kayang muli ng Port Masters ang nasabing mahika at lakas na naghulma sa kanila bilang isa sa tanyag na koponan?

Bagamat nawala na sa koponan ang ilan nilang marquee players, kabilang na ang ngayon ay pro na sina Mark Cardona ng La Salle, Paolo Bugia at Larry Fonacier ng Ateneo, malaking katanungan ang umuukit sa isipan nina Mikee at Nikki Romero ang may-ari ng pinakamalaking non-containerized port terminal sa bansa.

kung ikukunsidera ang bagong tatag na koponan ni coach Dindo Pumaren, ang bilis at tikas ni Joseph Yeo at ng mga NCAA stalwart na sina Kevin dela Peña sa backcourt, dagdag pa ang pagbibigay lakas ng Fil-Am na si Robbie Reyes at Jerwin Gaco bilang mga sentro, at ang pagkakaroon nila ng outside-inside game mula kina Jenkins Mesina, Christian Luanzon at Red Vicente, siguradong maipagpapagpatuloy ng Port Masters ang kanilang sinimulan.

"We lost some of our key players but our commitment to play to the highest level remains the same. Fans want to see a disciplined team, one that plays real hard but clean and that’s what we are going to do," ani Romero, na sumuporta rin sa ilang koponan sa iba’t ibang liga gaya ng NBC, MBL at maging sa UAAP.

"Our basketball programs are geared toward luring children away from dangerous drugs or any misadventures, and in the same time giving them aspirations in terms of having a solid future," dagdag pa ng batang chief executive.

Ang iba pang bubuo sa roosters ng koponan ay ang miyembro ng Mythical Five sa NCAA na si Jerome Paterno kasama sina Marcy Arellano at Earn Saguindel na magbibigay ng kinakailangang lakas, habang si Ryan Dy naman ang magbibigay sa koponan ng katatagan katulong sina Mesina, Rommel Dizon at Richard Alonzo.

Kasama rin sa koponan sina Angel Raymundo at Jason Ballesteros.

Katulong naman ni Pumaren sina June Tiongco at Vic Escudero bilang assistant, habang si Erick Arejola ang itinalaga bilang assistant team manager at mananatili naman si Derick Pumaren na team consultant.

ANGEL RAYMUNDO

CHRISTIAN LUANZON

DERICK PUMAREN

DINDO PUMAREN

EARN SAGUINDEL

ERICK AREJOLA

HARBOUR CENTRE

JASON BALLESTEROS

JENKINS MESINA

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with