Bustamante, kampeon sa Philippine 9-Ball Open
October 25, 2005 | 12:00am
Ilang oras matapos na suriin ng doctor ang kundisyon ng kanyang kanang siko, naligtasan ni Francisco Django Bustamante ang apat na oras na marathon finals upang ibulsa ang kanyang kauna-unahang national open trophy.
Lumaro si Bustamante ng kabuuang 47 racks noong Linggo ng gabi at bumangon mula sa maagang tatlong rack na deficit upang talunin si Dennis Orcullo, 15-13 sa titular match ng Philippine 9-Ball Open sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Nauna rito, tinalo muna ni Bustamante ang giant-killer na si Mario Tolentino sa semifinals, 11-8. Ang kanyang panalo sa tournament na ito na co-organized ng Puyat Sports at Solar Sports ay nagbigay sa kanya ng P500,000.
Nakuntento naman si Orcullo, pinabagsak si Ronnie Alcano, 11-8 sa isa pang semifinal match sa P250,000 premyo.
Nakatakdang sumailalim si Bustamante sa isang pagsusuri upang madetermina kung ubra siyang lumaro sa mahabang tournaments.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended