Maaari ng makapaglaro ang mga gaya nina Eric Menk ng Ginebra at Rudy Hatfield at Rafi Reavis ng Coca-Cola para sa kani-kanilang koponan matapos na tanggapin ng mga Board of Governors ang bagong set ng mga kriterya sa pagtalakay ng eligibility ng nasabing manlalaro.
"The decision to adopt the new criteria has been necessitated by recent legal developments which made the PBAs continued reliance on the Department of Justice as ineffective and misplaced," ani PBA commissioner Noli Eala sa kanyang inihandang statement matapos ang meeting ng mga governors kahapon ng umaga sa Chateau 1771.
"The board felt it is high time we assume our former stance and base our decisions regarding Fil-foreign players on our own policies," dagdag pa ni Eala.
Tumanggi si Eala na magkomento kung paano ang ginawang botohan, ngunit ayon sa reliable sources ang boto ay 5-2 kung saan ang Sta. Lucia Realty at Alaska ang tanging hindi pumabor sa nasabing proposal na inialok ng commissioner.
Ginamit na basehan ng liga para suspindehin o i-ban ang mga Fil-foreign players base sa findings at desisyon ng Department of Justice noong October 2004 nang ang mga players na sina Asi Taulava, Mick Pennisi, Davonn Harp at Alex Crisano ay inutusan na ipatapon matapos ang mahabang Senate hearing.
Noong nakaraang Enero, sina Menk at ang iba pa ay sinuspinde matapos na mabigong magpresinta ng authenticated na mga papeles na nagpapatunay ng kani-kanilang dugong Pinoy.
At ngayon dahil sa bagong mga kriterya na inaprobahan ng board, puwede na uli silang maglaro. (Maribeth Meraña)