SISIKAT NA ROOIKIES
October 24, 2005 | 12:00am
Sa 14 rookies na pumalaot sa San Mig Coffee PBA Fiesta Cup, si Jondan Salvador ng Purefoods Chunkee Corned Beef ang siyang may pinakamahabang playing time.
Sa unang apat na laro ng Giants, si Salvador ay nag-average ng 31.25 minuto kung saan siya ay nagtala ng 8.25 puntos, 6.25 rebounds, 0.75 as-sists, 0.25 steal, 0.25 blocked shot at 1.75 errors. Malaki ang tiwala sa kanya ni coach Paul Ryan Gregorio na nagsabing siya na siguro ang kapalit ng nagretirong superstar na si Alvin Patrimonio.
Sa tutoo lang, puwede ngang mangyari ito dahil pareho lang ang posisyong nilalaro nina Salvador at Patrimonio. Pareho silang ga-ling sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) at naging Most Valuable Player awardees ng ligang nabanggit. Si Salvador ay naglaro para sa College of St. Benilde samantalang si Patrimo-nio ay naglaro naman sa Mapua Institute of Technology.
Itinuturing ni Gregorio na "steal of the draft" si Salvador dahil sa pang-apat pa nga itong napili ng Giants. Naging No. 1 pick si Anthony Washington ng Air21 at ipinamigay ito ng Express sa Talk N Text. No. 2 naman si Alex Ca-bagnot ng Sta. Lucia Realty at No. 3 naman si Dennis Miranda ng Coca-Cola Tigers.
Sorpresa naman ang ikala-wang may pinakamahabang pla-ying time sa mga rookies ay si Ce-sar Catli na isang second round pick ng Sta. Lucia. Nag-average si Catli ng 28 minuto sa unang apat na laro ng Realtors kung saan nagtala siya ng 8.75 puntos, tat-long rebounds, 0.5 assists, 0.25 steal, 0.5 blocked shot at isang error.
Bilib din si Sta. Lucia Realty coach Alfrancis Chua kay Catli at sinasabi niyang noon pa mang naglalaro ito sa Far Eastern Uni-versity Tamaraws ay sinundan na niya ang career nito. Mataas ang three-point shooting percentage ni Catli. Matangkad siya at tila may potential namang sumunod sa yapak ni Allan Caidic.
Ang ikatlong may pinakama-habang playing time sa mga roo-kies ay si Miranda na may ave-rage na 26.75 minuto sa unang apat na games. Katunayan, si Miranda ang siyang starting point guard ng Tigers at ang beteranong si Johnny Abarrientos ay "off the bench" na lamang ang laro. Sa ngayon, si Abarrientos pa ang ginagamit ni Coca-Cola coach Binky Favis sa endgame dahil nga subok na ang katatagan nito. Pero darating ang panahon na matoto-ka na kay Miranda ang tungkuling ito. Siya naman talaga ang heir apparent ni Abarrientos na kagaya niyang galing din sa Far Eastern University.
So, makikita natin dito na sina Salvador, Catli at Miranda ang siyang may pinakamalaking im-pact sa mga baguhan sa PBA sa ngayon. Sa kasalukuyan sila ang pinagtutuunan ng pansin at ikinu-kumpara sa mga superstars na nagretiro na o paretiro na rin.
Hindi kaya maging mabigat na pressure ito sa kanilang balikat dahil sa inaasahan ng lahat na sila ang magiging susunod na super-stars ng PBA?
Hindi naman siguro. Marahil ay natutuwa pa nga sila dahil sa kahit paanoy mayroon silang tina-target na puwesto sa liga.
At tiyak na makakatulong ito sa PBA dahil sa aabangan ng lahat ang kanilang development.
Siyempre, umpisa pa lang na-man ng season ito, e. Hahabol pa ang mga ibang rookies.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am