Sinabi ito ni Rendon matapos ang lumabas na opinyon at statement ng board member ng UAAP sa media ukol sa kontro-bersiyang kinasasangku-tan ng La Salle.
"As of the moment, statements issued by members of the UAAP are not the official stand or statement of the (UAAP) board," ani Ren-don na nagsabing ang mga lumabas na balita ay mga personal na opinyon lamang ng mga sources ng ibat ibang pahayagan.
Ipinaliwanag ni Ren-don na makakakilos la-mang ang UAAP laban sa La Salle players kapag natanggap na nila ang official result at recom-mendation ukol sa ka-nilang basketball players na may pekeng PEP Test result ayon sa Depart-ment of Education.
Sa ikatlong linggo pa ng November magpupu-long ang UAAP Board.
Samantala, inaasa-hang magpapalabas ang La Salle ng kanilang official statement ngayon ukol sa kanilang imbesti-gasyon isinasagawa kina Mark Benitez at Timothy Gatchalian na mga natu-koy nang bumagsak sa high school equivalency test sa DepEd. (Carmela Ochoa)