Yan ang sinabi ni team manager Boy Lapid, at naniniwala ako sa kanya.
Dahil halos intact na intact pa rin ang lineup at nawala man sa kanila si Anthony Washington, palaban pa rin naman ang team nila.
Si Caloy Garcia pa rin ang coach ng Paintmasters na pangungunahan pa rin ni Eugene Tan sa backcourt.
Matitindi ang mga players na nadagdag sa kanila kaya naman sabi na rin ng ibang PBL teams, ang Welcoat na naman ang team to beat.
Nandyan pa rin ang famous triumvirate behind the team na sina Raymond Yu, Terry Que, at Mommy Margaret Yu.
Sila kasi ang incharge sa darating na SEA Games.
Arawaraw eh ang dami nilang ginagawa at sigurado, a few weeks before the SEA Games, lalo na silang mangangarag.
Naniniwala naman ako na magiging matagumpay ang SEA Games, pero mas magiging masaya ang lahat kung may basketball.
Alam nya na wala nang mangyayari sa relasyon nila kahit na nagkaanak pa sila.
Kaya naman ngayon, ibang PBA player naman ang puntirya niya.
At mukhang makukuha niya si player na isang binata pa at walang sabit.
Si Bobby ay isa sa mga big bosses ng Channel 5.
Masaya naman siya sa turnout ng PBA ngayon at natutuwa siya dahil maraming tao ngayon na nanonood kumpara last conference.
Sa tingin niya eh makakabawi rin sila.
At kumpiyansa siya na sa tinatakbo ng liga ngayon, malaki ang posibilidad na mas tumaas pa ang ratings sa TV.
Mabuti naman kung ganun.
Ayon sa mga reklamo ng viewers na natatanggap namin sa email, masyado raw madaldal ang mga sportscasters ng PBA, at minsan, ang mga sinasabi nila eh wala nang relasyon sa larong kinucover nila.
Sana raw ay manood ng NBA games ang ilan sa mga TV panelists ng malaman nila kung paano mas magandang magcover ng games.
Noon ko pa po yan sinasabi.