Ang pagpapaliban ang hiniling ni dating chairman Buddy Encarnado ng Sta. Lucia Realty na nagpahayag na kailangan niya munang pag-aralan ang kondisyon ng amnesty at konsultahin si Realtors team owner Exequiel Robles na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Karamihan sa board members ay pabor sa amnesty proposal na unang inilabas ni chairman Ely Capacio sa kanyang personal na dahilan. Buhat dito, nakabalik sa paglalaro si Mick Pennisi na kinatigan ng Court of Appeals habang si Rudy Hatfield ay may go-signal na rin makaraang isinantabi ng Malacañang ang batas ng DoJ. Gayunpaman kailangan pa ring isumite ni Hatfield ang ilang dokumento bago tuluyang makatapak sa playing court.
Naging consistent si Encarnado sa pagtutol sa amnesty na ito sa mga kinokonsidera niyang Fil-shams at mismong ang premyadong sentro niya na si Marlou Aquino ay tumututol sa planong amnesty nang una itong lumabas.
At dahil sa pagliliban ng amnesty, napigilan ang pagbabalik ni Davonn Harp sa Red Bull at Raffy Reavis sa Coca-Cola. (DMVillena)