^

PSN Palaro

Desisyon sa amnesty ng mga Fil-foreign cagers iniliban muna

-
Iniliban muna ng PBA Board of Governors sa loob ng isang linggo ang kanilang desisyon tungkol sa amnesty proposal ni Commissioner Noli Eala sa mga Fil-foreign players na nakakuha ng Bureau of Immigration Clearance at aprobal ng Department of Justice na maglaro sa liga na sinuspinde kasunod ng desisyon naman ni Secretary Raul Gonzales.

Ang pagpapaliban ang hiniling ni dating chairman Buddy Encarnado ng Sta. Lucia Realty na nagpahayag na kailangan niya munang pag-aralan ang kondisyon ng amnesty at konsultahin si Realtors team owner Exequiel Robles na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Karamihan sa board members ay pabor sa amnesty proposal na unang inilabas ni chairman Ely Capacio sa kanyang personal na dahilan. Buhat dito, nakabalik sa paglalaro si Mick Pennisi na kinatigan ng Court of Appeals habang si Rudy Hatfield ay may go-signal na rin makaraang isinantabi ng Malacañang ang batas ng DoJ. Gayunpaman kailangan pa ring isumite ni Hatfield ang ilang dokumento bago tuluyang makatapak sa playing court.

Naging consistent si Encarnado sa pagtutol sa amnesty na ito sa mga kinokonsidera niyang ‘Fil-shams’ at mismong ang premyadong sentro niya na si Marlou Aquino ay tumututol sa planong amnesty nang una itong lumabas.

At dahil sa pagliliban ng amnesty, napigilan ang pagbabalik ni Davonn Harp sa Red Bull at Raffy Reavis sa Coca-Cola. (DMVillena)

BOARD OF GOVERNORS

BUDDY ENCARNADO

BUREAU OF IMMIGRATION CLEARANCE

COMMISSIONER NOLI EALA

COURT OF APPEALS

DAVONN HARP

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELY CAPACIO

EXEQUIEL ROBLES

LUCIA REALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with