Pinagharian ng Fil-Canadian cue-artists ang All-Filipino Open sa kaagahan ng taong ito nang kanyang maungusan si Francisco Django Busta-mante, 15-14, sa finals.
Bago naibulsa ni Pagulayan ang kanyang natatanging major title sa bansa, naghari ito sa Canadian Open sa kaagahan ng taong ito at nitong nakaraang buwan lamang ay pinangunahan nito ang prestihiyoso at money-rich na U.S. Open para makabawi sa kanyang kabiguang maidepensa ang world championship title nito noong Hulyo.
Ngunit hindi dapat maging kumpiyansa si Pagulayan kay Punzalan na unang nakapasok mula sa qualifying phase matapos ma-sweep ang kanyang mga laban sa unang leg.
Ang iba pang first round matches na dapat abangan sa event na ito na co-organized ng Solar Sports at Puyat Sports ay ang laban nina Efren Bata Reyes at Mario Tolentino, Bustamante kontra kay Victor Arpilleda, ang champion noong nakaraang taon na si Antonio Gabica at Godofredo Ducanes, Marlon Manalo at ng rising star na si Jeffrey De Luna at ang kauna-unahang babaeng lalaro sa national open na si Rubilen Amit laban sa Asian 9-Ball Tour Manila leg winner na si Ronnie Alcano.