^

PSN Palaro

Unang hahamon kay Pagulayan si Punzalan

-
Bubuksan ni Alex Pagulayan ang kanyang kam-panya para sa ikalawang national title sa pakikipagharap kay Fidel Punzalan sa pagbubukas ng 2005 Philippine 9-Ball Open sa Miyerkules sa the Robinson’s Galleria Trade Hall.

Pinagharian ng Fil-Canadian cue-artists ang All-Filipino Open sa kaagahan ng taong ito nang kanyang maungusan si Francisco ‘Django’ Busta-mante, 15-14, sa finals.

Bago naibulsa ni Pagulayan ang kanyang natatanging major title sa bansa, naghari ito sa Canadian Open sa kaagahan ng taong ito at nitong nakaraang buwan lamang ay pinangunahan nito ang prestihiyoso at money-rich na U.S. Open para makabawi sa kanyang kabiguang maidepensa ang world championship title nito noong Hulyo.

Ngunit hindi dapat maging kumpiyansa si Pagulayan kay Punzalan na unang nakapasok mula sa qualifying phase matapos ma-sweep ang kanyang mga laban sa unang leg.

Ang iba pang first round matches na dapat abangan sa event na ito na co-organized ng Solar Sports at Puyat Sports ay ang laban nina Efren ‘Bata’ Reyes at Mario Tolentino, Bustamante kontra kay Victor Arpilleda, ang champion noong nakaraang taon na si Antonio Gabica at Godofredo Ducanes, Marlon Manalo at ng rising star na si Jeffrey De Luna at ang kauna-unahang babaeng lalaro sa national open na si Rubilen Amit laban sa Asian 9-Ball Tour Manila leg winner na si Ronnie Alcano.

ALEX PAGULAYAN

ALL-FILIPINO OPEN

ANTONIO GABICA

BALL OPEN

BALL TOUR MANILA

CANADIAN OPEN

FIDEL PUNZALAN

GALLERIA TRADE HALL

GODOFREDO DUCANES

JEFFREY DE LUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with