BREAKS KAY HUBALDE
October 17, 2005 | 12:00am
Nakakadalawang games na ang rookie point guard na si Pao-lo Hubalde sa San Miguel Beer subalit wala pa rin itong naipaki-kita. Hindi naman masasabing hin-di siya binibigyan ng tsansa ni coach Joseph Uichico dahil sa siya ang unang rumerelyebo sa starting point guard na si Olsen Racela. Ang huling point guard na sinusubukan ni Uichico ay si Anton Villoria.
Subalit kapuna-puna na tila na-mamalahibo pa itong si Hubalde at mas maraming errors kaysa assists ang kanyang naitatala. Posible ding gigil na gigil na siyang makapagpakita kung kayat sa halip na aayos ang maging pag-orchestrate niya ng plays ay nagkakamali siya.
Sa tutoo lang, marami din ang nagulat nang kunin ng San Miguel bilang eighth pick overall sa first round si Hubalde. Hindi naman natin sinasabing hindi deserving si Paolo.
Kaya lang, ang pinag-iisipan ng iba ay kung ano nga ang po-sisyong lalaruin niya sa San Mi-guel.Nasagot ang katanungang iyan nang itoka nga sa kanya ang pagiging point guard.
Ang siste, tila hindi ito ang nor-mal na pusisyon ni Hubalde. No-ong nasa University of the East siya, si Hubalde ay kilala bilang isang scorer at tila mas at home siya sa pusisyong off guard. Pero maliit nga siya kung off guard ang lalaruin niya. Masyadong mata-tangkad ang makaka-match up niya sa PBA at baka kainin lang siya nang buo ng mga ito. Kayat kailangang bumaba siya sa point guard.
Ganito rin ang naging sitwas-yon ni Paolo Mendoza nang ma-ging No. 1 pick overall siya ng Sta. Lucia Realty. Kilalang shooter si Paolo noong siyay nasa University of the Philippines sa UAAP at Ana Freezers sa PBL. Pero nang umakyat siya sa PBA, napuwersa siyang maglaro bilang point guard.
Matagal bago niya nakabisado ang pusisyong ito. Kailangang isakripisyo din niya ang pagiging scorer dahil sa ang una niyang in-tensyon sa hardcourt ay magpasa ng bola kina Marlou Aquino, Den-nis Espino at Kenneth Duremdes. Hindi siya ang first option sa pagtira ng bola.
Ito rin ang stage na dinaraa-nan ni Hubalde ngayon.
Oot mahusay siyang shooter nong nasa amateurs siya pero hindi niya iyon pwedeng papelan sa San Miguel ngayon. Ang da-ming pupuntos sa Beermen gaya nina Danny Seigle, Danny Ildefon-so, Nic Belasco at Racela. Hindi pa nga naglalaro si Dondon Hon-tiveros, e.
Kaya kailangang pagtuunan niya ng pansin ang papel niya bilang point guard. Kapag hindi ito ang natural na pusisyon ng isang player, mahirap talaga sa umpisa. Babaguhin niya ang sistema niyat pananaw sa laro, e.
Pero dahil bata pa naman si Hubalde, tiyak namang maga-gawa at makakasanayan niya ito. Patuloy siyang bibigyan ng pag-kakataon ni Uichico at hindi na-man siya ibabangko.
Kasi nga, si Hubalde ang kina-bukasan ng Beermen sa spot na iyon. Hindi na rin naman bumaba-ta si Racela at darating ang araw na kailangang may mag-take over sa kanya.
Pero teka, paano kung mag-balik na sa line-up ng San Miguel si Denver Lopez na isa ring point guard. Baka mabawasan pang lalo ang playing time ni Hubalde?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended