^

PSN Palaro

Magkano ba talaga ang magagastos sa SEA Games hosting?

-
Habang papalapit ang 23rd Southeast Asian Games ay saka pa la-mang malalaman ng Phi-lippine SEA Games Orga-nizing Committee (PHIL-SOC) ang tunay nilang kailangang pondo para patakbuhin ito.

"It will not be accurate in your estimate on what you will be needing," sabi ni PHILSOC Chief Exe-cutive Officer (CEO) at Philippine Olympic Com-mittee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. "As you get closer and as you get nearer doon mo pa lang makikita kung ano ‘yung mga kailangan mo."

Sinasabing umabot na sa P850 milyon ang naipong pondo ng PHIL-SOC mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Globe Telecom-munications, Smart Com-munications at Lucio Tan Group of Companies.

Ang Lucio Tan Group ang pinakahuling korpo-rasyong naglatag ng P50 milyon bilang suporta sa 2005 SEA Games, naka-takda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Puntirya ng PHILSOC na makuha ang itinak-dang P1.2 bilyon bilang pondo ng naturang bien-nial meet.

"Hindi naman tayo magtitipid para mapahiya lang tayo dito," ani Co-juangco. "We will still be hosting the Games and be proud of it na hindi tayo mapapahiya sa ating mga kababayan."

Para makatipid, bina-wasan ng PHILSOC ang naunang inihaing P46 milyon para sa opening at closing ceremonies ng 2005 SEA Games na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta. (R.Cadayona)

ANG LUCIO TAN GROUP

CHIEF EXE

GAMES ORGA

GLOBE TELECOM

LUCIO TAN GROUP OF COMPANIES

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QUIRINO GRANDSTAND

SMART COM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with