Sa katunayan, nakakuha pa ng foul si Yap mu-la kay San Miguel import Rico Hill ngunit sumablay ang kanyang bonus shot. Nakuha ni Mark Pingris ang rebound ngunit nakahirit pa ng posesyon ang Beermen nang mag-step-in si Roger Yap sanhi ng turnover.
Gayunpaman, walang nangyari sa huling play ng Beermen nang magmintis ang tres ni Seigle at naku-ha ni Pingris ang rebound tungo sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro kabilang ang huling 88-86 win laban sa Alaska kung saan nakabangon sila mula sa 29-puntos na pagkakahuli, habang lalong nabaon ang San Miguel sa pangungu-lelat dahil sa 0-3 record.
Mula sa anim na puntos na pagkakahuli, 83-77, humantong sa overtime ang laro nang kumpletuhin ni import Marquin Chandler ang kanyang three-point play mula sa foul ni Hill sanhi ng 83-pagtatabla sa regulation.