^

PSN Palaro

Nakaligtas na naman ang Purefoods

- Ni Carmela V. Ochoa -
Isa na namang come-from-behind win ang itinala ng Purefoods Chunkee sa pamamagitan ng lay-up ni James Yap sa huling pitong segundo ng labanan para kumpletuhin ang kanyang steal tungo sa 92-90 overtime win ng Giants kontra sa defending champion San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Ara-neta Coliseum kagabi.

Sa katunayan, nakakuha pa ng foul si Yap mu-la kay San Miguel import Rico Hill ngunit sumablay ang kanyang bonus shot. Nakuha ni Mark Pingris ang rebound ngunit nakahirit pa ng posesyon ang Beermen nang mag-step-in si Roger Yap sanhi ng turnover.

Gayunpaman, walang nangyari sa huling play ng Beermen nang magmintis ang tres ni Seigle at naku-ha ni Pingris ang rebound tungo sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro kabilang ang huling 88-86 win laban sa Alaska kung saan nakabangon sila mula sa 29-puntos na pagkakahuli, habang lalong nabaon ang San Miguel sa pangungu-lelat dahil sa 0-3 record.

Mula sa anim na puntos na pagkakahuli, 83-77, humantong sa overtime ang laro nang kumpletuhin ni import Marquin Chandler ang kanyang three-point play mula sa foul ni Hill sanhi ng 83-pagtatabla sa regulation.

vuukle comment

BEERMEN

FIESTA CUP

JAMES YAP

MARK PINGRIS

MARQUIN CHANDLER

PUREFOODS CHUNKEE

RICO HILL

ROGER YAP

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with